Homiliya sa ika-27 ng Agosto 2017 para sa Arkidiyosesis ng Lingayen Dagupan bilang paghahanda sa Ikalawang Synodo ng Lingayen Dagupan
Sa susunod na Sabado, ikalawang araw ng Setyembre, pasisimulan natin ang Ikalawang Synodo ng Lingayen Dagupan sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa Katedral ni San Juan Ebanghelista sa Lungsod ng Dagupan. Makasaysayan ito para sa ating lahat na kasapi ng Simabahang Katoliko. Lahat kayo ay inaanyayahang makiisa sa Misang ito sa ganap na ika-siyam ng umaga upang dumulog sa Banal an Espiritu na puspusin ang Synodo ng Lingayen Dagupan.
Ilang araw bago magbukas a ng Synodo, taglay ngayon ng Salita ng Diyos ang ilang mga tanda ukol sa ating pananampalatayang Katoliko – ang bato, ang susi at ang balabal.
Sa mga Salmo, pauli ulit na tinutukoy ang Diyos bilang baton a masasandigan natin ng walang apsubali. “Ako’y tinutulanagn ng Diyos, siay lamang aking bato.” Bagamat si Hesus ang ating bato, hinayaaan niyang makisalo si Pedro sa kanyang pagiging bato, “At ikaw ay bato at sa batong ito itatayo ko ang aking Simbahan.” Ibinahagi ni Hesus ang katangian ng baton a masasandigan sa Simbahan ng sinabi niya: “ang pintuan ng impiyerno ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.” Ang pananampalataya ay magiging matibay na bato lamang sa Diyos at kay Hesus lamang. Hiwalay kay Kristo, tayo’y alikabok na walang halaga.
Ang ikalawang tanda ay ang susi. Ang susi at tanda ng pagtitiwala. Ito’y tanda ng kapanyarihan – “kapag binuksan walang makapagpipinid; kapag pininid walang makapagbubukas.” Ang susing ito ay ipinagkatiwala kay Pedro. Ang lahat ng makaparing tungkulin ay dumadaloy mula sa pakikiisa at pagtalima kay Pedro ang bato at tagpag-alaga ng susi.
Ang huling tanda ay ang balabal mula kay Propeta Isaias. “Aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay.” Ang balabal na ito ay patuloy na ipinaliwanag ni Pablo bilang balabal ng kababaang loob mula sa malalim na pagkilala ng pagiging hindi karapat dapat. “Sino ang nagbigay na una sa Panginoon, at siya'y babayarang muli?”
Gagabayan tayo ng tatlong tanda na ito sa Synodo ng Lingayen Dagupan. Tanging ang Arsobispo ang makapagtatawag ng synodo at makapagtatapos nito. Minsang sinabi ni Santa Catalina ng Siena na ang Santo Papa ang katamistamisang Kristo sa lupa. Ito’y maaring ding gamitin upang tumukoy sa bawat Obispo ng Simbahan. Ang manatiling kaisa ng ating Arsobispo at para sa ating arsobispo at gayundin tayong lahat na manatiling kabuklod ni Kristo at ng simbahan – ito ang tunay na pinagmumulan ng ating lakas at sigla. Hiwalay sa ating Arsobispo at Santo Papa, wala tayong lakas at sigla.
Ang susi ay tanda ng pagtitiwala. Tayo’y mga katiwala, mga lingkod at tagpag-alaga. Ang diwa ng pagiging katiwala ang diwa ng Synodo. Tandaan nating darating ang panahon na magbibigay sulit tayo kung paano natin pinagyaman ang mga kaloob ng Panginoon. Tinuturuan tayo ng aral ng mga Obispo ng America, “Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Diyos’ (1 Pedro 4:10) Paano ba makikilala ang isang katiwala? Pinangangalagaan ang lahat ng mga materyal at pang-tao yaman at ginagamit ang lahat ng ito sa paraan mapagkakatiwalaan; gayundin ang bukas palad na paghahandog ng panahon, kakayahan at kayamanan. Ngunit higit pa rito ang pagiging katiwalang Kristiyano. Bilang katiwalang Kristiyano, tumatanggap tayo nang may pasasalamat, nililinang natin ang mga kaloob sa paraang mapagkakatiwalaan, ibinabahaagi natin ito sa diwa ng katarungan at pagmamalasakit at sa kapwa at nagbibigay sulit tayo sa pagbabalik sa Panginoon ng pinagyamang kaloob.”
At huli, ang balabal na isusuot natin sa pagtitipon sa Synodo ay ang balabal ng kababaang loob. Kinikilala natin na ang lahat ay biyaya, tumatanaw ng utang na loob sa lahat ng kaloob at ibinabalik handog sa Diyos ang mga handog niyang sagana.
Ipagdasal po natin ang ating mahal na Arsobispo, mga pari at mga relihiyoso. Gayundin, ipanalangin natin ang mga laykong kasapi at iba pang mga kinatawan sa Synodo.
Nawa’y lumago tayo sa pagkakaisa bilang simbahan sa pammagitan ng banal na pagsisikap ng Synodo. Maging kamalayan nawa natin na ang lahat ng bagay ay kaloob ng Diyos! Makita nawa natin na ang lahat ng kaloob ng Diyos ay may katapat na pananagutan na ipahayag ang Kaharian ng Diyos sa ating piling!