Homiliya sa ika-20 ng Agosto 2017 para sa Arkidiyosesis ng Lingayen Dagupan
Ano ba ang pananampalataya? Ang pananampalataya ay nagtitiwala. Ang pananamapalataya ay nananalig. Ang pananampalataya ay kumikilos.
Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa Diyos. Ito’y pananalig sa walang hanggang lakas at kapangyarihan. Sinumang nananalig sa Diyos, sa Kanya rin umaasa.
Ang pananamplataya ay paniniwala sa mga ipinahayag na katotohanan. Tinatanggap ng isip at puso ng sinumang sumasampalataya ang mga katotohanan ng pananampalataya na ipinasa sa atin ng ating mga ninuno sa simbahan.
Kumukilos ang pananampalataya. Patay ang pananampalatayang hindi isinasabuhay.
Ang Salita ng Diyos sa atin ay PANANAMPALATAYA.
Nagbibigay kapangyarihan ang pananampalataya. (Faith is
empowering.) Pinagagaang nito ang ating mga pasanin sa buhay. Itinuro sa atin ni Papa Benito XVI na gumagaang at napadadali ng pananampalataya ang buhay. Kapag may pananamapalataya, nalalagpasan kahit na ang pinakamabibigat na suliranin sa buhay. Nagupo na sana sa pagkatalo at kawalang pag-asa ang babaeng Cananea. Matagal nang maysakit ang kanyang anak. Itinaas siya ng kanyang pananamapalataya mula sa bigat ng kawalang pag-asa tungo sa “banal na bundok” na si Hesus mismo.
Niyayakap ng pananampalataya ang lahat. (Faith is all
embracing.) Narinig natin kay Propeta Isaias na ang tahanan ng Diyos ay tahanan ng panalangin na walang itinatangi at para sa lahat. Inialay ni Hesus ang kanyang buhay sa krus hindi lang para sa bayan ng Israel kundi para sa lahat ng makasalanan. Isinugo ang Mesiyas para lahat. Niyayakap nito ang lahat.
Nagpupugay ang pananampalataya sa anumang kanyang tinanggap (true faith
extols what has been received). Pinupuri ng pananampalataya ang Diyos na nagpahayag ng kanyang sarili. Hindi kailanman makasarili at walang pakialam ang pananampalataya. Laging bukas at matapang ang pananampalataya. Batid ni San Pablo na tinawag siya upang ipakilala si Kristo sa mga Hentil. Sa simula’y, pinangunahan siya ng pagaalinlangan at paghihinala ngunit nang lumao’y tumanggi siyang igupo ng mga balakid na ito. Malalagpasan natin sa bisa ng kapangyarihan ng pananampalataya ang lahat ng pag-aalinlangan at ang kawalan ng pag-asa na magtaya ng sarili.
Mula ikalawa hanggang ika-siyam ng Setyembre, pupulungin ang Synodo para sa Simbahan ng Lingayen Dagupan bilang pagdiriwang ng pananampalataya. Ang pananampalatay natin kay Kristo ang magbubuklod ng lahat ng lalahok sa synodo. Ang pananampalataya ay tiyak na pananalig. Ang pananampalataya ay pagtanggap sa mga turo at aral ni Hesus nang walang pag-aalinlangan. Pinakamabisang ipahayag ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtulad kay Hesus sa pagsasabuhay nito.
Panalangin natin na mapatibay ng Synodo ang ating pananampalataya upang hindi tayo mahadlangan ng anumang pagtutol at pagsalungat sa Simbahan. Ang pagkamanhid ng marami; ang marahas na uhaw sa dugo at ang kawalang pakialam ng marami, ang kalituhan at ang karahasan na tila bahagi na ng pang-araw araw na buhay – ang lahat ng ito’y mga sitwasyon na kailangang sinagan ng liwanag ng Mabuting Balita. Ang lahat ng ito’y alalahanin ng Synodo.
Bagamat ang mga kalahok sa Synodo ay natatakdaan, sakop ng lawak ng Synodo ang lahat. Haharapin nito hindi lamang ang mga isyung pang-Simbahang katoliko kundi pati na rin pang lipunan. Masikap ang pagpili ng mga kasapi ng Synodo upang makapag-ambag ang lahat ng mga Katoliko sa iba’t ibang larangan at gulang.
Ang Synodo ay malakas at malinaw na pagpapahayag ng pananampalataya. Pagpupugay ito sa mga misyonero na naghatid sa atin ng pananampalataya. Pagpupgay ito sa mga banal na martir ng Pangasinan. Pamimitagan ito sa pananampalatayang tinanggap natin. Hindi ikinukubli ang pananampalataya. Walang saysay ang pananampalatayang hindi ipinapahayag at isainasabuhay.