ORATIO IMPERATA PARA SA BOKASYONG PAGKAPARI Dadasalin sa Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan BAGO ang Panalangin Pagkatapos ng Kokunyon SA LAHAT NG MISA mula Disyembre 1-31, 2019
Tagapamuno: Ang lahat ay magsiluhod upang manalangin para sa bokasyon.
Panginoong Hesus, tinawag Mo ang Iyong mga alagad upang maging mamamalakaya ng tao. Patuloy Mong bigkasin ang matamis na paanyaya, “Halika, sumunod ka sa akin”, sa aming mga kabataan sa Iyong Simbahan sa Lingayen-Dagupan.
Sa bawat panalangin, ating itutugon:
MAGSUGO KA NG MGA BANAL NA PARI SA IYONG SIMBAHAN SA LINGAYEN-DAGUPAN. Atin pong ulitin. Ipagkaloob Mo sa mga kalalakihan ang biyaya ng agarang-pagtugon sa Iyong tawag, sumasamo kami sa Iyo Panginoon…
Panatilihin ang aming Arsobispo, mga pari at mga nagtalaga ng sarili para sa Iyo, sa pagganap sa kanilang gawaing apostoliko, sumasamo kami sa Iyo Panginoon…
Pagkalooban Mo ng pagpupunyagi ang aming mga seminarista na hinuhubog bilang mga pari, sumasamo kami sa Iyo Panginoon…
Pag-alabin Mo sa bawat pamilya ang ningas para sa bokasyon sa pakapari, sumasamo kami sa Iyo Panginoon…
Huwag Mong ipahintulot na manamlay at tuluyang mawala ang aming pananampalataya dala ng kakulangan ng mga pari at mga manggagawa sa iyong ubasan, sumasamo kami sa Iyo Panginoon…
Tulungan Mo kaming maipatayo ang silid-aklatan at dormitoryo ng Mary Help of Christian Theology Seminary sa kagandahang-loob ng mga taong bukas-palad…
Maria, Ina ng mga Pari, Saklolo ng mga Kristiyano, tulungan mo ang aming mga kabataang lalaki na tumugon kay Jeus, Iyong Anak. Yakapin mo ang bawat seminarista at pari sa Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan ng iyong maka-inang pag-aaruga at pag-gabay. O maawain, mapagmahal, at matamis na Birheng Maria! Amen.