THOU SHALL NOT STEAL!
Pastoral Admonition on the Pandemic Public Funds Scams
To the People of God in the Archdiocese of Lingayen-Dagupan and all my countrymen:
If I say to the wicked, You shall surely die—and you do not warn them or speak out to dissuade the wicked from their evil conduct in order to save their lives—then they shall die for their sin, but I will hold you responsible for their blood. (Ez 3, 18)
There is nothing that leads a people more towards the path of destruction than the loss of moral sensibility: the indifference to good and evil! The Church is the Body of Christ consecrated by the Spirit – the Spirit of Truth. It is a prophetic community and so must speak God’s Word, in season and out of season, whether it is pleasing to the rulers of the earth or unwelcome to them. The pastors of the Church are anointed not to please but to proclaim from the housetops what has been entrusted to them!
Nakakasuklam!
We cannot but be appalled by credible reports about dishonesty, graft and malfeasance in scandalous proportions, particularly because these despicable acts exploited the fears of our people occasioned by the COVID pandemic.
Held in the grip of dread for the disease that has claimed so many lives, our people, already laid low by the economic privation brought about by the pandemic, were hoodwinked by those who exploited the situation for their profit. Amen, I say to you, whatever you did for one of these least brothers of mine, you did for me.’ (Matthew 25:40)
Manindigan!
In the name of God, I admonish all Catholics to protest these acts of perfidy as vocally and persistently as possible. There can be no room for neutrality. Between good and evil, there is no middle ground, and whoever is unwilling to condemn blatant injustice becomes its enabler. Whoever will not indict the thief becomes complicit with him!
Gawin ang tama!
In the name of God, I admonish all who serve in the prosecution service to see to the prosecution of those who are liable for these egregious offenses against our people, who have enriched themselves at a time of want and of suffering, without fear and favor. It has often been said – and it bears repetition – that there is nothing that deters crime and wrongdoing more than the certainty of prosecution and punishment!
In the name of God, I admonish all who sit in judgment in our courts of law to be truly instruments of the vindication of our people’s rights. God has granted you a participation in his power as judge over peoples. Do justice in his name and allow not the scales of justice to be tilted in favor of power, wealth and the enticements of prestige.
Isauli ang hindi sa inyo!
In the name of God, I admonish all who have profited from these scandalous deals and iniquitous transactions to return to the Lord who is rich in mercy and abounding in forgiveness. Restitute what is not yours and what belongs to the people. The Lord knows and He sees! Show mercy on those who are already impoverished by life’s trials, and the Lord will be merciful to you!
Bawal ang duwag!
I call on all priests and lay leaders to engage our people in the process of “conscientization”--bringing to their awareness the wrongs done them and recognizing them as wrong. For indeed, one of the saddest things that has befallen us, is a dreadful national familiarization with graft and corruption that they no longer shock and disturb us!
The call of synodality to engage civil society in the journey of the Church is exactly what this admonition is for: All call to all to be engaged in the re-birth of society, the conversion of all, and the heedfulness of the Church to the plight of her sons and daughters!
May Mary Help of Christians give us to courage to stand up for the Lord!
May Mary Health of the Sick move us to defend the poor and the sick who are our lords!
May Mary Mother of the Poor guide us in humility to repent and return to her Son our Lord!
From the Cathedral of Saint John the Evangelist, Dagupan City, October 22, 2021, Memorial of Saint John Paul II
Tagalog Translation
HUWAG KANG MAGNANAKAW!
Panawagan sa Bayan ng Diyos ukol sa mga Katiwalian ng Pondo ng Pandemic
Minamahal na Bayan ng Diyos sa Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan, minamahal kong mga kababayan:
“Kapag sinabi kong tiyak na mamamatay ang mga taong masama, at hindi mo sila binigyan ng babala upang sila'y makapagsisi, ang mga tao ngang iyon ay mamamatay dahil sa kanilang kasalanan; ngunit pananagutan mo sa akin ang kanilang kamatayan” (Ezekiel 3:18).
Wala nang higit pang magpapahamak sa isang bayan tungo sa landas ng impiyerno kundi ang kawalan ng matalas na pandama sa kung ano ang matuwid o hindi, sa pagiging manhid sa kung ano ang tama o mali. Ang Simbahan ay ang Katawan ni Kristo na itinalaga ng Espiritu Santo--ang Espiritu ng Katotohanan. Ito ay pamayanan ng mga propeta na nagpapahayag ng Salita ng Diyos, umulan man o umaraw, sumang-ayon man o hindi ang mga makapangyarihan sa mundo. Ang mga pastol ng Simbahan ay itinalaga hindi upang palagiang malugod na sang-ayunan kundi upang masigasig na ipahayag ang ipinagkatiwala sa kanila sukdulang ikamatay.
Nakakasuklam!
Paanong hindi tayo mangingilabot sa mga tiyak na ulat tungkol sa garapal na pagnanakaw, pandarambong at pagwawaldas ng pera sa paraang tunay na kahiya-hiya! Lalo na ito nakakasuka dahil nakakamuhing isinagawa ang lahat ng itong pagsasamantala habang takot ang ating mga kababayan sa panahon ng pandemya ng COVID. Nakakamatay ang pandarambong!
Naghihikahos na nga ang ating mga kababayan dahil sa bagsik ng pandemyang ito, nilinlang at pinagkakitaan pa sila ng mga nagsamantala sa sitwasyon. “Tunay na sinasabi ko sa inyo, ano man ang ginawa ninyo sa pinahahamak kong mga kapatid ay ginawa nnyo sa akin” (Mateo 25:40).
Manindigan!
Sa ngalan ng Diyos, hinihimok ko ang lahat ng mga Katoliko na tahasan at masigasig na tutulan ang lahat ng mga panloloko at pagtataksil na ito. Hindi maaring maligamgam sa mabuti o masama ang isang Kristiyano. Ang sinumang tumatangging tuligsain ang garapal na kawalang katarungang ito ay kunsitidor nito. Ang sinumang nangingiming isakdal ang magnanakaw o walang takot na ipagtanggol sila, ay kasabwat nito!
Gawin ang tama!
Sa ngalan ng Diyos, hinihimok ko ang mga nasa sangay ng pamahalaan na naatasan usigin ang mga paglabag sa batas na tiyaking mananagot ang mga garapal na nagpayaman at nagpasasa sa panahong naghihirap ang ating bayan. Makailang ulit nang sinabi at maiging ulit ulitin na ang tunay na sumusupil sa krimen at kasamaan ay ang katiyakan ng pagsasakdal at kaparusahan.
Sa ngalan ng Diyos, hinihikayat ko ang lahat ng mga hukom sa ating mga korte na maging tunay na daan ng pagtataguyod sa karapatan ng ating mga kababayan. Mula sa Diyos ang pakikiisa ninyo sa kapangyarihan ng paghuhukom. Itaguyod ninyo ang katarungan sa ngalan ng Panginoon at huwag hahayaang pumanig ang timbangan ng katarungan sa mga malalakas, mayayaman at sikat!
Isauli ang hindi sa inyo!
Sa ngalan ng Diyos, hinahamon ko ang lahat ng nakinabang sa mga kahiya-hiya at nakakasuklam na transaksyon na magbalik loob sa Diyos na puno ng awa at pagpapatawad. Ibalik ang hindi inyo at tunay na para sa bayan. Huwag ninyong pakanin ang anak ninyo ng galling sa nakaw! Batid at nakikita ng Diyos ang lahat. Kaawaan ninyo ang mga naghihikahos dahil sa bagsik at lupit ng Covid at kayo rin ay kahahabagan ng Diyos.
Bawal ang duwag!
Sa ngalan ng Diyos, hinihimok ko ang lahat ng mga pari at pinunong layko na yugyugin ang konsensiya ng buong bayan upang maunawaan nila ang mga atraso at kamaliang ginawa sa kanila. Mag-ingay upang magising ang nagtutulug-tulugan. Mabatid nawa nila na ito ay mali. Tunay ngang nakakalungkot na nasanay na ng ating mga kababayan na pinagnanakawan at nililinlang; naging manhid na ang marami. Tila hindi na ito ikinagugulat at ikinagagalit bagkus ay tinatanggap na at ipinangangatwiran pa.
Ang hamon ng synodality na anyayahang makiisa ang ating mga kababayan sa paglalakbay sa Simbahan ay ang tunay na dahilan ng panawagang ito--ang hamon ng pagbabago sa lipunan, pagbabalik-loob ng lahat at ang pagtalas ng pandama ng Simbahan sa kalagayan ng kanyang mga anak.
Naway bigyan tayo ng lakas at tapang ni Maria, Katuwang ng mga Kristiyano na manindigan para sa Panginoon.
Nawa’y pakilusin tayo ni Maria, Mapagpagaling sa mga Maysakit na ipagtanggol ang mga dukha at maysakit na silang ating panginoon!
Nawa’y gabayan tayo ni Maria, Ina ng mga Dukha sa mapagpakumbabang pagsisisi at pagbabalik loob sa kanyang Anak na Panginoon natin.
Mula sa Katedral ni San Juan Ebanghelista, Lungsod ng Dagupan, ika-22 ng Oktubre 2021, Paggunita kay San Juan Pablo II.
+ SOCRATES B. VILLEGAS
Arsobispo ng Lingayen Dagupan
+ SOCRATES B. VILLEGAS
Archbishop of Lingayen-Dagupan